Iimbestigahan daw ng Australian police ang tatay ng sikat na sikat at award-winning singer-songwriter na si Taylor Swift dahil umano sa ginawa nitong assault sa isang photographer.

Sa kapapasok na balita ng ABS-CBN News, isang nagngangalang Ben McDonald daw ang nag-akusa sa ama ng superstar dahil sa assault na ginawa nito nitong madaling-araw ng Martes (PST).

Matatandaang nasa Australia si Swift para sa kaniyang "Eras Tour."

Samantala, wala pang detalye kung anong klaseng assault ang ginawa ng tatay ni Swift sa photographer at kung ano ang puno't dulo nito.