Mukhang year ito ng versatile Kapamilya actress na si Maris Racal dahil talagang lalo siyang sumisikat at nakikilala ang acting prowess mapa-comedy man, pa-kilig, o heavy drama dahil sa teleseryeng "Can't Buy Me Love" na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano o DonBelle.

Patok na patok sa mga manonood ang biglaang tambalan nila ni Anthony Jennings o tinatawag ngayong "Snoop" at pakiusap nga ng marami, sana raw ay more scenes pa sa dalawa o kaya naman, magkaroon sila ng sariling serye o pelikula.

Kamakailan lang ay guest si Maris sa vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo. Bukod sa mga kuwentuhan nila, isang Chanel bag ang ibinigay ng doktora kay Maris dahil sa labis niyang pagkagiliw sa aktres.

Shookt na shookt naman si Maris dahil ito raw ang unang beses na magkakaroon siya ng Chanel.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ang nabanggit na branded bag ay Heart Small Flap Bag, na nagkakahalagang $7,750, na kung iko-convert sa piso ay nasa ₱433,496.25.

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ng mamahaling bag si Maris mula kay Dra. Vicki. Ang una ay ang kauna-unahan niyang Gucci bag na sinundan naman ng Bottega Veneta Casette. Ang Chanel na ito ang pinakamahal!

Sa kaniyang Instagram post ay flinex ni Maris ang Chanel bag at muling nagpasalamat kay Dra. Vicki.

"still cant believe i now have a chanel bag… you are the sweetest doc @victoria_belo 🤍" ani Maris.

Sa comment section naman ay makikita ang reply ng doktora.

"You’re the cutest . It makes us happy to make you happy."

Ang saya pala maging friend ni Dra. Vicki Belo! Ikaw na talaga, Maris!