Pinusuan ng kaniyang fans si Kapamilya star Andrea Brillantes matapos niyang sorpresahin ang dalawang kasambahay na matagal nang naninilbihan sa kanila.

Sa latest vlog ng aktres, makikita ang surprise ni Andrea sa kanilang kasambahay na sina Sabel at Ryza matapos silang bigyan ng tig-isang motorsiklo, na bagong-bago at pinili mismo ni Blythe para sa kanila.

Disclaimer ni Andrea, hindi raw niya alam kung paano "ipa-prank" ang dalawa para lang maitawid ang sorpresa niya rito. Sinabi rin niyang hindi niya ginawa ang vlog para sa content.

Kabaligtaran daw ito dahil naisip lang daw niyang i-film ang pagbibigay ng motorsiklo sa dalawa para mabalik-balikan nila in the near future.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

At tila may nasabi pa ang aktres na may balak din siyang bigyan sila ng bahay at lupa. Bongga!

Nilinaw naman ni Blythe na hindi "for content" ang kaniyang pagba-vlog.

"I'm not really doing this for content lang. Naisip ko lang na i-film siya kasi memories din ‘to for me and Ate Sabel and Ryza para mabalik-balikan namin ‘to para next na ibibigay ko sa kanila eh house and lot. Sana umabot ako sa ganoong point,” paliwanag ng aktres.

Deserve na deserve daw ng dalawang kasambahay ang bagong motorsiklo dahil matagal na silang naninilbihan sa kanila.

Isang blue Yamaha Aerox ang ibinigay niya kay Ryza at kay Sabel naman ay green Yamaha NMax.

MAKI-BALITA: Hindi pang-content: Andrea niregaluhan ng motorsiklo dalawang kasambahay