Nakakaloka ang pa-blind item ni Ogie Diaz sa latest episode ng kaniyang "Ogie Diaz Showbiz Update" kasama ang co-hosts na sina Mama Loi at Ate Mrena.

Tungkol ito sa isang napakaguwapong aktor na may "mga kamay ni Hilda!"

Ayon kay Ogie, ang napakaguwapong aktor na ito ay bahagi ng isang all-male group, ng mga barako. One time daw, sa kanilang pagtulog, naka-share ng isang miyembro ng grupo ang nabanggit na napakaguwapong aktor na may "malikot na kamay" sa isang kuwarto.

Sa gitna raw ng pagkakahimbing niya sa pagtulog ay bigla siyang naalimpungatan. Naramdaman daw niya ang kamay ng napakaguwapong aktor na gumagapang sa kaniyang alaga. Nagising daw ang dapat magising, kaya nang malaman ng napakaguwapong aktor na nagising ang ginagapang ay nagkunwa itong naalimpungatan din at natulog ulit.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Ang clue na ibinigay ni Ogie, ang inisyals daw ng aktor ay masagwa kapag binaligtad.

Ang hinipuan naman daw, unique ang kaniyang name.

Ang grupong ito raw ay madalas na makita sa social media.

So, sinetch itey? Mauupo ka ba sa row 4?