Isang taga-Nueva Ecija at isang taga-Maynila ang maswerteng maghahati sa ₱70.8M jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) binola nitong Lunes ng gabi ang naturang lotto game kung saan nahulaan ng dalawang lucky winner ang winning combination na 29-07-09-20-03-26 na may kaakibat na ₱70,879,526.80.

Upang makubra ang premyo, magdala lamang ng dalawang valid IDs at tumungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

'Imbes na ayuda, abuloy!' MANIBELA, nagkomento sa pagkamatay ng rider sa pila ng ayuda