Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng cash at educational assistance ang pamilya ng anim na sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa Maute group sa Lanao del Norte kamakailan.

Ito ang isinapubliko ni House Speaker Martin Romualdez sa isinagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Sultan Kudarat nitong Linggo.

Aniya, bibigyan din ng livelihood assistance ang mga pamilya ng anim na sundalo, ayon sa kongresista.

Aniya, ito ang nakikitang paraan ng gobyerno upang kilalanin at pasalamatan ang kabayanihan ng mga sundalong lumaban sa nasabing terrorist group sa Barangay Ramain, Munai nitong Pebrero 18 ng hapon.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Bukod sa anim na sundalo, tatlo ring terorista ang napatay sa sunud-sunod na sagupaan sa naturang lugar.