Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na makakamit ang hustisya para sa anim na sundalong napatay matapos makasagupa ang grupo ng mga terorista sa Lanao del Norte kamakailan.

Sa kanyang vlog nitong Linggo, nagbigay-pugay si Marcos sa anim na sundalong napatay ng mga miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group, ang umano'y responsable sa pambobomba sa Mindanao State University noong 2023 

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

“Tayo po ay sumasaludo sa sakripisyo ng anim na sundalo na nagbuwis ng buhay sa isang engkuwentro upang tayo ay protektahan laban sa mga terorista,” aniya.

“Ipagpatuloy natin ang kanilang ipinaglaban at uusigin natin ang mga kalaban,” pahabol ni Marcos.

Nagpupugay ang Pilipinas sa anim na nasawing sundalo sa pamamagitan ng patuloy na pakikipaglaban sa terorismo, anang Pangulo.

“Ang kalungkutan na ating nadarama sa sakripisyo ng ating anim na magigiting na sundalo ay gagamitin nating lakas upang ibayong pagsikapan natin upang sugpuin ang mga terorista na naghahasik ng panganib sa ating mga mamamayan,” anang punong ehekutibo.

Siniguro rin ni Marcos na mabibigyan ng benepisyo at tulong ang mga pamilya ng anim na sundalo.

Matatandaang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group nitong Linggo, Pebrero 18.

Napatay din sa nasabing engkuwentro ang tatlo sa nasabing grupo, kabilang ang lider nito na sinasabing mastermind sa pambobomba sa Mindanao State University noong Disyembre 3, 2023.