Posible kayang matuloy pa ang kasal nina ex-celebrity couple Bea Alonzo at Dominic Roque kung sakali mang magkabalikan silang muli?

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Sabado, Pebrero 24, sinagot ng host na si Romel Chika ang nasabing tanong.

“Naku, parang hindi pa rin. Siguro patatahimikin panandali para ‘yong init ng tsikahan ng bawat isa, ng bawat grupo, ng bawat kampo, matigil muna,” saad ni Romel.

“Pagpapahingahin muna para matigil na ‘yong maiinit, maaanghang na mga pinagsasasabi nila,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kung ang isa pang host na si Wendell Alvarez ang tatanungin, ayaw na rin daw niyang matuloy pa ang kasal nina Bea at Dominic.

“Kasi ‘di ba nagkasaulian na ng engagement ring. Ano ba ‘yon? May take 2 ba ‘yong ‘teka muna take 2 ‘yong engagement rin?’ Luluhod ulit si Dominic ng gano’n?” paliwanag ni Wendell.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, isinauli ang engagement ring kay Dominic Roque

Matatandaang lumutang ang kuwentong nagkabalikan sina Bea at Dominic nang iulat ni showbiz insider Jobert Sucaldito nang marinig ang boses ng isang babae sa Zoom meeting ng aktor.

MAKI-BALITA: ‘Nahuli sa Zoom!’ Dominic, Bea nagkabalikan daw?