Nagbigay ng update ang actress-singer na si Janella Salvador tungkol sa girl love movie ng kapuwa niya artistang si Jane De Leon.

Sa isang episode kasi ng On Cue kamakailan, tinanong ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe kung aware ba si Janella sa request ng fans nila ni Jane na gawin ang nasabing movie project.

Usap-usapan kasi noong 2022 ang ilang eksena nina Jane at Janella sa TV series na “Darna” dahil sa tila sweet moments nila.

MAKI-BALITA: ‘Tukaan’ nina Jane at Janella, usap-usapan; sigaw ng fans, ‘GL series na ‘yan!’

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

In fact, inabangan pa nga ng mga tagasubaybay ang posibleng kissing scene ng dalawa sa nasabing TV series.

MAKI-BALITA: ‘DarLentina’, shini-ship; mga netizen, nakaabang sa posibleng kissing scene nina Jane, Janella

“Aware ka ba na maraming nagre-request ng GL movie n’yo together?” tanong ni MJ.

“O, yeah. Pati ako nagre-request. Wala pa rin,” natatawang sagot ni Janella.

Usisa pa ni MJ: “Anong reaksiyon mo doon?” 

“I actually got sad. Kasi we were really supposed to do a GL na. As in na-pitch na siya sa amin. There were a little bumps along the way, with approvals and all of that, ‘yong sa side ng mga nagye-yes and nagno-no,” tugon ni Janella.

“But in the end, we both said yes na. Pero hindi siya nag-move past that. I don’t know. Siguro hindi pa lang siya natutuloy,” aniya.

Matatandaang nauna nang iulat sa isang episode ng Marites University ang tungkol sa GL movie ng dalawa noong Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Jane De Leon, open maging karelasyon si Janella Salvador?

Gayunpaman, masaya pa rin daw si Janella kahit papaano dahil makakasama pa rin naman niya si Jane sa pelikulang “How To Be A Good Wife” na ididirek ni Jun Robles Lana.