Kumalap ng sari-saring reaksiyon sa social media ang post ng isang umano’y Christian kung saan binatikos niya ang couple na nagro-romanticize umano sa konsepto ng DINK o “Dual Income, No Kids” pero itinuturing naman daw ang kanilang mga aso o pusa bilang mga sarili nilang anak.

“I saw this video where a couple is basically romanticizing the idea that they’re DINKs (dual income, no kids) but treat their kittens and/or dogs as their own babies and then refer to themselves as ‘fur parents’,” anang netizen sa isang Facebook post.

Pagtutuloy niya, bilang mga Kristiyano ay mahalaga raw ang pagkakaroon ng anak dahil ang mga tao raw ay ginawa sa imahen ng Diyos.

“To that, we (Christians) say, Be fruitful and multiply, make your own babies, leave a legacy, and create human beings that have eternal souls with their own unique characteristics as people made in the Image of God (Imago Dei). Stop roleplaying to be a family; be one ,” aniya.

Human-Interest

Car owner hinahanting; tinakbuhan daw ₱1,826 na bill sa gasolinahan?

Agad naman pinagmulan ang naturang post ng mga diskusyon mula sa netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“I understand the perspective of some Christians such as yourself about this, but it's also a nice idea to respect the idea that some people do not want or cannot have their own babies, but are fine with having furbabies .”

“To that, we (people who mind their own business) say, wag ka mangialam sa may buhay ng iba kung di naman kayo inaagrabyado.”

“Tho, personally, okay lang sa akin na di na mag-anak yang mga yan. Para tayong mga Christian yung mga magkakaanak at dadami ang generation. Tas sila, aalagaan sila ng mga pets nila kapag uugod-ugod na sila. HAHAHA.”

“They can start off their own family naman anytime kapag ready na sila. pati ba naman sa ganitong bagay masyadong big deal.”

“Free speech mga kaibigan. Walang pakialaman.”

“It's that hard to mind your own business nowadays. Pati ba naman pagiging family. Move on. Not wanting babies isn't a sin. Puro multiply multiply edi mag multiply kayo bakit need mangialam? Having no kids (and not wanting) isn't a big deal.”

“I think it's better to have kids if you actually want them, not because it's your ‘purpose’. This is one of the main reasons why children grow up unhappy — their parents having them to satisfy what society (or other influences) expects of them. Families can come from anywhere with anyone and anything. Socially, economically, and politically speaking, is the country or the world even good enough to raise children? With the already growing population we have, limited sources, worsening crimes, inaccessible education to many?”

“Good content bro. Don’t listen to the demonic comments who are pro-benefits of marriage, but anti-children.”

“Christian ako mi pero please lang haha respeto na lang din sa kagustuhan ng iba, after all wala naman silang ginagawang masama, and di naman sila nakakatapak ng tao, lol.”

Habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 69,000 reactions, 160 comments, at 27,000 shares ang naturang post ng netizen.