Lumulutang daw ngayon ang bali-balitang itutuloy na raw ng aktor na si Richard Gutierrez ang pagsasampa ng reklamong child custody laban sa misis na si Sarah Lahbati

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” kamakailan, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na ibibitin daw muna ng panig ni Richard ang annulment nito sa asawang si Sarah Lahbati para bigyang-prayoridad ang nasabing reklamo.

“Maaaring ‘yong annulment po siguro ay mapapahuli pa dahil may kumukontra sa panig ni Richard. Pero ‘yong sa child custody po, maganda na rin naman ‘yon,” saad pa ni Cristy.

“Kung sa kaniyang palagay at sa kaniyang pagtimpla ay hindi masyadong nabibigyan ni Sarah Lahbati ang atensyon ng kanilang mga anak, mas maganda kung nasa kaniya,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

MAKI-BALITA: Richard, Sarah posibleng magpa-annul?

Sa ngayon, ayon kay Cristy, may usapan na raw sina Richard at Sarah tungkol sa kung paano paghahatian ang schedule ng pag-aalaga sa anak.

“Isang linggo sa ‘yo [Sarah], isang linggo sa akin [Richard]. Pero ‘yong child custody kasi, mag-aapply ‘yan kapag naipanalo ni Richard na sa kaniya ang dalawa nilang anak,” wika ng showbiz columnist.

“Pero pupwedeng dumalaw si Sarah Lahbati kahit sa tirahan nilang mag-aama. Kaya nga lamang, make sure na wala si Richard kapag pumunta si Sarah,” dugtong pa niya.

Matatandaang nauna na ring iulat ni showbiz insider Jobert Sucaldito sa kaniyang vlog ang tungkol sa hindi umano pagiging hands-on mom ni Sarah.

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati ‘di hands-on mom, battered wife?