Apat na taon mula nang ikasal sa aktor na si Matteo Guidicelli, nagkaayos na raw ‘di umano ang mag-inang Sarah Geronimo at Divine Geronimo.

Sa latest episode ng “Marites University” nitong Huwebes, Pebrero 22, napag-usapan nina Rose Garcia, Mr. Fu, at Jun Nardo ang tungkol sa bagay na ito.

“Imagine n’yo, apat na taon na pala simula no’ng makasaysayang wedding nilang dalawa [Sarah at Matteo]. It means 4 years na rin ang pandemic,” lahad ni Rose.

“Saka bago sila ikasal naging kontrobersiyal ‘yong mga lumabas na isyu ni Mama Divine,” sabi naman ni Mr. Fu.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

“Yes, ‘yon na nga,” ani Rose. “So, apat na taon na kung paano ilarawan ni Matteo ay ‘magical’ and ‘unexplainable’ ang 4 years nila na ‘yon. And looking forward siya syempre sa kanilang forever.”

May nakapagsabi raw kasing nagkakausap nang muli ang mag-ina bagama’t nilinaw ni Rose na wala pa namang kumpirmasyon hinggil sa balitang ito.

“Alam din naman natin ‘yong talagang hindi magandang reaksyon. Walang nakakaalam kung sila ba’y nagkakaayos na, nagkakausap na, o talagang totally na walang communication,” saad ni Rose.

“Pero ‘yon nga, may nagsabi lang and again ang naging tulay din daw ay si Boss Vic Del Rosario,” dugtong pa niya. 

Matatandaang may mga lumabas na ulat na hindi umano tanggap ng ina ni Sarah ang asawa nitong si Matteo.

In fact, sa isang panayam kay Boy Abunda, inusisa si Matteo tungkol sa kuwentong lumutang na hindi raw sila pinapasok sa village na tinitirhan ng magulang ni Sarah nang subukan nilang makipag-usap sa mga ito. 

MAKI-BALITA: Matteo at Sarah, hindi raw pinapasok sa village nina Mommy Divine at Tatay Delfin?

Pero hiling ni Matteo, sana ay maging maayos rin ang relasyon nila ng mga magulang ni Sarah. 

MAKI-BALITA: Matteo sa kaniyang relasyon sa mga biyenan: ‘Sana balang araw maging okay ang lahat’ – Balita 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag na inilalabas ang panig nina Sarah at Mommy Divine upang kumpirmahin o pabulaanan ang balita tungkol sa kanilang pagbabati.