Tila nawindang si dating Hashtag member Nikko Natividad matapos niyang manalo sa “Gandang Lalaki” ng “It’s Showtime” noong 2014. 

Sa latest episode kasi ng vlog ni ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila nitong Huwebes, Pebrero 22, tinanong niya si Nikko kung ano ang reaksiyon nito nang makita ang perang napanalunan sa nasabing kompetisyon.

“First time ko makahawak ng gano’ng halaga. Pero sa totoo pala, dumudulas lang siya,” saad ni Nikko.

“Lalo na dumami ‘yong kamag-anak ko no’n. May pinsan pala ‘kong hindi ko ka-apelyido. Nagulat ako,” hirit niya. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Anong ginawa mo sa P240,000? Anong binili mo?” usisa pa ni Karen. 

“Mga damit syempre. Kasi syempre ‘yon ang una mong needs kasi wala naman akong magagandang damit,” sabi ni Nikko. 

Dagdag pa niya: “May pamilya rin akong nanghiram, mga humingi. Naging sakitin sila. De, joke lang. Syempre normal na tulong din.” 

Gayunpaman, nakapag-ipon din naman si Nikko kahit papaano dahil buntis daw ang asawa niya noon.

Samantala, sa naunang bahagi ng panayam, nagulat din daw siya nang makaltasan ang kaniyang premyo nang i-convert na ito into cash. Hindi pa raw kasi niya alam noon ang konsepto ng VAT o value added tax.