Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:43 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 4 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Bayabas, Surigao del Sur, na may lalim na 49 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa CITY OF BUTUAN; Cagwait, SURIGAO DEL SUR.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Intensity II naman sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR, at Intensity I sa Boston, DAVAO ORIENTAL; Nabunturan, DAVAO DE ORO.

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Magsaysay, MISAMIS ORIENTAL

Intensity I - Nabunturan, DAVAO DE ORO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring pagyanig.