Ikinalugod ng Pilipinas ang naging desisyon ng appellate court ng Kuwait na pagtibayin ang hatol na pagkakakulong laban sa akusado sa pagpaslang sa overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara.

"We have informed the Ranara family of the Court's ruling and have assured them of our continued utmost support and assistance, as directed by the President," pagdidiin ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

"I have issued instructions to our Migrant Workers Office in Kuwait to work with our retained legal counsel in filing a civil action for damages against the father of the convicted perpetrator," anang opisyal.

Aabot sa 15 taong pagkakakulong ang ipinataw ng hukuman sa 17-anyos na lalaking pumatay kay Ranara, bukod pa ang isang taong hatol sa kanya dahil sa pagmamaneho ng walang lisensya.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Ranara sa disyerto noong Enero 21, 2023.

Naiulat na ginahasa, pinatay at sinunog si Ranara ng anak ng amo nito bago itapon sa nasabing lugar.