Sa mga napabalitang naghiwalay na showbiz couple, tinanong daw nina Bianca Umali at Ruru Madrid ang isa't isa kung makikiuso raw ba sila.

Natanong kasi ni Luis Manzano kay Bianca nang mag-guest ito sa "Luis Listens," kung napag-usapan daw ba nila ni Ruru kung ano ang gagawin nila para mas pagtibayin ang kanilang relasyon.

"Nakakatakot 'yong time na 'yon actually kasi tuloy-tuloy eh, magkakasunod and 'yong mga naghihiwalay hindi lang basta-bastang couples like alam mo 'yong mga poste ng lovelife [loveteam] rito sa Pilipinas," ani Bianca.

"And ang unang tanong namin ni Ruru sa isa't isa no'ng nangyari 'yon, 'ano makikiuso ba tayo?' kasi medyo trend siya eh," natatawang sabi ni Bianca na nagpatawa rin kay Luis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Para trending," tawang-tawang sabi ni Luis. "Gusto ko 'yon para trending."

"Makikiuso ba tayo? Gusto ba natin? I mean para pag-usapan din tayo," sey pa ni Bianca.

"Baka maka-endorsement tayo. I like that, I like that," sey ni Luis sabay apir pa sa aktres.

"But syempre para sa amin, hindi rin naman namin ma-promise eh, na walang mangyayaring masama sa atin, hindi tayo mag-aaway, hindi malalaman ng mga tao 'yong mga nangyayari sa relationship namin. But we had faith in the relationship and parang we held on to knowing na ang center ng relationship namin is our faith, is God, so we give it all to Him," paliwanag ni Bianca.

Sina Bianca at Ruru ay halos mag-aanim na taon na ring magkarelasyon.