Mariing itinanggi ni showbiz columnist ang paratang ng kampo ni Dominic Roque na pinangalanan umano niya ang mga politikong benefactor ng aktor sa kaniyang vlog.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong Miyerkules, Pebrero 21, hinamon ng showbiz columnist ang panig ni Dominic kung saang bahagi umano ng vlog niya binanggit ang pangalan nina Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at dating Congressman Bong Suntay.

“Nasaan po ang pangalan ni Mayor Bullet Jalosjos mula nang aking salatin ang kuwento tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque? Walang-wala silang maituturo,” matapang na pahayag ni Cristy.

“Mayroon pong mga vloggers, naglalabas ng litrato nila. Mayroon pang ‘yong magkatabi sila na parang humahalik si Dominic kay Mayor Bullet. Pero hindi po sa amin galing ‘yon,” aniya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

In fact, nagulat nga raw si Cristy sa biglang “pag-aray” nina Jalosjos at Suntay kaugnay sa nasabing isyu. 

Dagdag pa niya: “Si Ginoong Bong Suntay naman po, wala po tayong pu-puwedeng maging problema. Hindi po tayo magkakilala. Kahit si Ginoong Bullet Jalosjos. Nakilala ko lang ang pangalan niya nitong magkaroon sila ng problema ng Tito, Vic, and Joey.”

At sa palagay daw ng mga kaibigan ni Cristy, kaya siya ang pinuntirya nina Dominic at Jalosjos sa nasabing isyu ay dahil isa raw siyang TVJ supporter—isang bagay na hindi naman daw niya agad-agad na pinaniniwalaan.

Matatandaang nitong Martes, Pebrero 20, tuluyang pinalagan ni Dominic ang mga malisyosong pahayag ni Cristy kaugnay sa mga isyung ibinabato sa kaniya nito.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, pumalag na sa mga iniisyu sa kaniya ni Cristy Fermin