Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kakasuhan nito ang mga Chinese fisherman kung may nakikitang legal na batayan ang pamahalaan kaugnay ng umano'y paggamit ng cyanide ng mga ito upang masira ang Bajo de Masinloc.

“If we feel that there is an enough ground to do so, we will,” tugon ng Pangulo sa mga mamamahayag na dumalo sa 16th Ani ng Dangal 2024 sa Manila City nitong Martes.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Matatandaang sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na gumagamit ng cyanide ang mga mangingisdang Chinese upang pigilang mangisda ang mga Pinoy sa lugar.

“I do know that there are cases of cyanide fishing before even here in the Philippines, but I think the reason that it has been more alarming is that it has become more prevalent kaya ‘yun ang inaalala natin,” ani Marcos.

Kaugnay nito, inatasan na ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang BFAR na mangalap ng ebidensya na  magpapatunay na laganap ang cyanide fishing sa Scarborough Shoal.