Naglabas ng saloobin ang dating presidential spokesman na si Harry Roque kaugnay sa sinabi ng isang dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na nakita umano niya ang mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte na umalis sa mansyon ni Pastor Apollo Quiboloy dala-dala umano ang mga bag na naglalaman ng mga baril.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa umano’y mga pang-aabuso ng KOJC nitong Lunes, Pebrero 18, sinabi ng witness na si alyas-Rene na dati siyang landscaper ng “Glory Mountain” ni Quiboloy.

Dahil dito, naglabas ng saloobin si Roque sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, Pebrero 19.

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

"Ang stupid naman na si PRRD and VP mismo magbibitbit ng bag ng mga armas. Kwentong barbero," aniya.

"Saka [ang] tanda na ni Tatay Digs. Makakabitbit pa ba '[yon?]" saad pa ni Roque sa hiwalay na Facebook post.