May payo si Manay Lolit Solis sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Ewan ko ba Salve kung bakit parang ang hirap tanggapin ng followers nila na pywede ng magkanya kanyang lakad sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla," sey ni Lolit sa kaniyang Instagram post. "Puwede na noon so much in love sila, but puwede naman mag-fall out of love ka rin 'di ba? Puwede that time ang mundo nila para sa kanilang dalawa lang, pero now nakita nila na puwede pala makakita din ng iba."

Binigyang-diin din niya na mga bata pa raw sina Kathryn at Daniel kaya dapat i-enjoy raw muna ng dalawa ang mga bagay na nasa paligid nila. Hindi naman daw dapat agad maging seryoso ang mga ito sa isang relasyon.

"Mas mabuti pa na enjoy your youth and all the perks bago maging seryoso. Ang lawak pa ng mundo at marami pa silang madi discover na mga bagay. Parehong mukha naman matibay sa pagsubok ang dalawa kaya nilang ma-survive ang heartache ng break up nila," sey pa ng showbiz columnist.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaya payo niya sa mga fans ng KathNiel, "kaya huwag maging violent ang mga followers nila. Let them grow more mature, para mas matibay ang outlook nila sa love."