Nakatanggap daw ng hindi magagandang komento ang anak ni “It’s Showtime” host Vhong Navarro na si Yce Navarro.

Sa latest episode ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” nitong Lunes, Pebrero 29, ipinagtanggol ni showbiz insider Jobert Sucaldito si Yce.

“Some of the netizens are so cruel. Kumbaga nilalait nila ‘yong bata. Nilait nila ‘yong mukha ni Yce. Kamukha raw ni Vhong. Hindi mukhang artista,” lahad ni Jobert.

“Pero, my God, tingnan n’yo naman ‘yong mukha ng bata. In fairness naman sa kaniya, he has the looks. Gwapo ‘yong bata. May not be as gwapo as Gabby Concepcion pero may sarili siyang kagwapuhan,” aniya.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Dagdag pa niya: “‘Huwag kalimutang ang nanay ng batang ito ay ang napakagandang si Bianca Lapus. Si Vhong Navarro may not be handsome as an actor. But, you know, ang entrance naman niya sa showbiz ay via pagsasayaw sa Streetboys.”

Ang Streetboys ay Filipino boy group na nabuo noong dekada ‘90 nang madiskubre sila ng direktor na si Chito Roño. Kabilang si Vhong sa mga pioneer member ng nasabing grupo.

Anyway, hindi naiwasang maawa ni Jobert sa bata na gusto lang namang tuparin ang pangarap na maging artista.

Matatandaang kasama si Yce sa mga bagong mukha na ipinasilip sa 1st anniversary trailer ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

MAKI-BALITA: Anak ni Vhong Navarro, sasabak sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’