Ibinahagi ni “Can’t Buy Me Love” star Maris Racal ang kuwento kung paano niya minanifest ang jowa niya ngayong si Rico Blanco na isang singer-songwriter.

Sa latest vlog ni Dra. Vicki Belo nitong Lunes, Pebrero 19, inamin ni Maris na bata pa lang daw siya ay idol na niya si Rico.

Ayon kasi kay Maris, ang mga kapatid niya raw ay fan talaga ni Rico lalo na ang kuya nitong may banda. Kaya eventually, naki-fan na rin daw siya sa mga ito. 

"And then no’ng nag-artista na ako, siguro mga ilang years na rin ako sa showbiz no'n, and then may nagtanong sa akin: 'Anong type mo sa lalaki?'" lahad ni Maris.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Ewan ko. Parang gusto ko 'yong Rico Blanco na look tapos gusto ko ng music. Na mahilig siya sa music. And then, gusto ko ng... Actually younger version ni Rico Blanco," aniya.

Kaya naman, lagi na raw siyang nagpo-post privately na sana bigyan siya ni Lord ng younger version ni Rico.

“Like super crush ko talaga siya. Pero hindi ko naman inexpect na siya 'yong ibibigay ni Lord, hindi 'yong younger version," natatawang wika ng aktres.

25 taon ang agwat ng edad ang dalawa. Si Maris ay 27 years old pa lang sa darating na Setyembre samantalang si Rico naman ay 51 years old na sa darating na Marso.

Matatandaang kamakailan lang ay todo-suporta si Maris kay Rico sa ginanap na reunion concert ng dati nitong bandang Rivermaya.

MAKI-BALITA: Maris, todo-suporta kay Rico sa reunion concert ng Rivermaya

Samantala, inamin ni Rico noong 2021 sa isa niyang panayam kay showbiz columnist Cristy Fermin na si Maris umano ang kaniyang soulmate.