Pinalagan ng aktor na si Dominic Roque ang mga isyung ipinaparatang sa kaniya ni showbiz columnist Cristy Fermin. 

Sa inilabas na pahayag ng Fernandez & Singson Law Offices nitong Martes, Pebrero 20, mariin nilang kinokondena ang mga mapanirang-puring pahayag ni Cristy sa mga vlog nito kaugnay kay Dominic.

“These defamatory statements were made by Ms. Fermin under the guise of the entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominic Roque,” pahayag ng kampo ni Dominic.

Matatandaan kasing sa isang episode ng “Showbiz Now Na” ay iniulat ni Cristy ang tungkol sa nasagap niyang impormasyon na pinaiimbestigahan umano ng kampo ni Bea si Dominic dahil sa kabuhayan nito.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

MAKI-BALITA: May gay benefactor ba? Misteryo sa condo unit, kabuhayan ni Dominic inilantad

Tila ipinapahiwatig ng mga pahayag ni Cristy na may benefactor umanong politiko si Dominic na nagmamay-ari ng condo kung saan daw ito kasalukuyang tumutuloy. Dahil dito, nakaladkad sa isyu ang pangalan ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos.

MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?

Sa isa ring hiwalay na vlog, gumawa rin daw ng malisyosong pahayag si Cristy kung saan nadawit din ang pangalan ni dating Congressman Bong Suntay bilang benefactor din umano ng aktor.

Parehong pinabulaanan ng kampo ni Dominic ang mga malisyosong pahayag na ito ni Cristy. Gayundin, humingi ang kampo ng paumanhin para sa mga nasangkot na indibidwal sa nasabing isyu.

“He is embarrassed and apologizes to Mayor Bullet Jalosjos and his family for being dragged into the public conversation because of the malicious, defamatory public innuendos of Ms. Fermin,” anila.

Dagdag pa: “Again, Mr. Roque would like to apologize to former Congressman Bong Suntay and his family for the embarrassment caused by the deplorable innuendos made by Ms. Fermin.”

Bukod pa rito, itinanggi rin nila na pagmamay-ari umano nito ang Clean Fuel gas station na pinaghihinalaang ibinigay daw umano ng isang politiko.

Sa huli, nilinaw ng kampo na hindi raw kailanman nagkaroon ng alitan sina Dominic at Bea Alonzo kaugnay sa pre-nuptial agreement taliwas sa mga kumakalat na balita.

MAKI-BALITA: Away nina Dominic at Bea, prenup daw ang dahilan?

“Reckless statements relating to the alleged disagreement over a pre-nuptial agreement between them are not only unverified but merely based on speculations intended to produce a negative image on the parties concerned,” saad pa nila.  

May be an illustration of text

Matatandaang matapos kumalat ang ulat na hindi na raw matutuloy ang kasalang Bea-Dom, kinumpirma ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa kaniyang programa ang hiwalayan ng dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Napakatindi ng tensyon:’ Kasalang Bea-Dominic, ‘di raw matutuloy?

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

Sinegundahan naman ni Bea ng pahayag ang nasabing kumpirmasyon sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Cristy Fermin tungkol sa pahayag ng kampo ni Dominic.