Mukhang seryoso na talaga ang social media personality na si Xian Gaza dahil aniya 90% ng hinahanap niya sa isang asawa ay nakita niya sa kaniyang Thai girlfriend.

"90% ng hinahanap ko sa isang asawa ay taglay niya. If paglalaruan ko pa 'to at hindi seseryosohin, baka it will take me another 10 years para makahanap ng isang katulad niya," ani Gaza nitong Lunes sa isang Facebook post.

Bihira lang din daw 'yong babae na "very" beautiful inside out.

"If simpleng pag-settle down sa isang maayos na relasyon ay hindi ko pa magawa at the age of 31, then how can I pursue bigger things in life? Baka 35 na ko't lahat eh panay pambababae pa rin ang inaatupag ko. Waste of time.

Xian Gaza, nangutang kay Boss Toyo pambili ng engagement ring

"If papalit-palit pa rin ako ng jowa while my 2 children are growing up, baka mawalan sila ng respeto sa akin at maapektuhan yung mindset nila towards building relationships," paglalahad pa ng social media personality.

Kung sakali mang hindi mag-work ang kasal para sa kanila, may divorce naman daw sa bansang Thailand. At i-ever nga raw na ma-divorce sila, win-win pa rin daw dahil lahat ng assets nila ay paghahatian ng 50-50.

"May divorce ang Thailand. Just in case things went south for us, parehas kaming may exit. My fiancee is a Thai citizen, if she owns 51% of my company, then we can buy landed properties in Thailand. Magkakaroon ng full power yung mga kumpanya ko dahil lokal ang majority shareholder. Marami ding tax exemptions. If ever ma-divorce kami, lahat ng assets ay split 50-50. Win win. Walang talo," aniya pa.

Pinag-isipan naman daw niyan ang mabuti ang "big decision" na ito.

"Mahal namin ang isa't-isa and I just hope that we can build our own empire together. Nawa'y tumanda kami ng sabay at mapuno ng kaligayahan ang aming pagsasama."

Kaya naman nauna niyang ibinahagi na nangutang pa siya kay Boss Toyo ng pambili ng engagement ring.