Nangutang ng pambili ng engagement ring ang social media personality na si Xian Gaza kay Boss Toyo.

Ani Gaza, kahit naghihirap na raw siya at walang pera, gagawa raw siya ng paraan para makabili ng disenteng singsing. Dahil naniniwala umano siya na walang babae ang may deserve ng P299 engagement ring mula sa isang online shopping app.

"Hindi ako liquid ngayon kaya umutang ako ng PHP100,000 kay Boss Toyo pambili ng singsing," saad niya sa kaniyang Facebook post kamakailan.

"Kahit naghihirap na ko at walang pera eh gagawan ko ng paraan kasi naniniwala ako na walang babae ang may deserve ng 299 ring mula sa Shopee," dagdag pa niya. 

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Kung hindi ko kayang diskartihan ang isang decent engagement ring, paano pa kaya yung kinabukasan naming dalawa at ng magiging anak namin?"

Nangako naman si Gaza kay Boss Toyo na babayaran niya agad ang utang.

Matatandaang inanunsyo ni Gaza sa publiko nitong Sabado ang kaniyang engagement.

"Kung palagi na lang akong matatakot sa mga nangyayaring hiwalayan eh 'di hindi ko na mararanasan ang tunay na kaligayahan," anang social media personality.