Umaapela raw ang isang netizen kay showbiz insider Ogie Diaz para hulaan kung kailan maghihiwalay ang actor-rapper na si Carlos Agassi at ang jowa nitong si Sarina Yamamoto.

Matatandaan kasing tinaguriang Patron Saint of Tsismis si Ogie dahil halos lahat ng mga nauna niyang tsika tungkol sa showbiz hiwalayan ay totoo.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sinasamba bilang ‘Patron Saint of Chismis’

Sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Linggo, Pebrero 18, ibinahagi ni Ogie kung saan nagmula ang panawagan ng netizen na hulaan ang hiwalayan nina Carlos at Sarina.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

“Kasi maraming [nagsasabing] wala raw sa tono. Sinasadya raw ba ‘yon? Actually, ‘di ko alam. Pero nakapakinig na nga ako. Nakapakinig na ako pero ‘di ko tinapos,” saad ni Ogie.

Pero ayon sa kaniya: “Ang importante, baka ito ‘yong kanilang bonding moments. Si Carlos saka ‘yong jowa niya. ‘Yong kanta-kanta sila. Baka sinasadya rin nila na papangitin ‘yong boses nila para engaging, para maapektuhan ‘yong mga tenga, para maapektuhan ‘yong kamalayan ng mga tao.”

At in fairness nga naman, effective ang kanilang naisip na strategy dahil nagba-viral sina Carlos at Sarina sa iba’t ibang social network sites kahit puro batikos ang nakukuha nilang feedback.

MAKI-BALITA: Rap song ni Carlos Agassi, inokray; inakusahang ‘transphobic’

MAKI-BALITA: Carlos Agassi sa ‘Milk Tea’ rap song: ‘Pilit n’yo lang na pinalalabas na transphobic!’

Lately nga lang ay nag-react si Carlos sa isang art card na kumalat na magiging kurso rin daw siya upang pag-aralan kaniyang mga rap song,

MAKI-BALITA: Mala-Taylor Swift level! Carlos Agassi, magiging kurso na rin?