Sangkatutak daw ang dala-dalang maleta ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo nang lumipad papuntang Australia.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Linggo, Pebrero 18, sinabi ni showbiz columnist na tila matatagalan daw ang aktres sa nasabing bansa.

“Nasa Australia siya [Kathryn] ngayon. Sangkatutak na maleta ang dala-dala. Kaya ang pag-aalala ng kanilang mga fans, ang mga KathNiel, baka matagalan na si Kath sa pagbalik,” saad ni Cristy.

“Una manonood kasi siya ng Taylor Swift concert at maaaring may gagawin siyang TVC doon. May endorsement. Kasi sangkaterba naman ‘yong maleta. Magbibihis ba siya ng minu-minuto?” aniya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Pero sabi ng showbiz columnist, ano’t anoman daw ang dahilan ni Kathryn sa pagpunta nito sa Australia, “she deserve it.”

“Dapat lang siyang mag-move on na. Hindi man natin masasabing isandaang porsyentong pagkalimot sa nakaraan, makakatulong ang kakaibang kapaligiran,” dugtong pa niya.

Mukhang nag-enjoy naman si Kathryn sa ginanap na concert ng American singer-songwriter sa Australia. 

In fact, may isang video na kumakalat kung saan matutunghayan na todo-bigay si Kathryn sa pagkanta ng “We Are Never Ever Getting Back Together” na tila patama umano sa ex-jowang si Daniel Padilla ayon sa mga netizen.

MAKI-BALITA: Deej, sapul? Kath, kumanta ng ‘We Are Never Ever Getting Back Together’