Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Cagayan habang magnitude 4.0 naman sa Southern Leyte nitong Lunes ng madaling araw, Pebrero 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.

Nangyari umano ang magnitude 4.7 na lindol sa Cagayan dakong 2:22 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 56 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 20 kilometro.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Claveria, CAGAYAN; Pasuquin, at City of Laoag, ILOCOS NORTE

Intensity I - City of Vigan, ILOCOS SUR

Samantala, nangyari naman ang magnitude 4.0 na lindol sa Southern Leyte dakong 4:13 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 9 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Malitbog, Southern Leyte, at may lalim itong 1 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV- Malitbog, SOUTHERN LEYTE

Intensity III - Sogod,  SOUTHERN LEYTE

Intensity II - Hilongos, LEYTE; City of Maasin, SOUTHERN LEYTE

Intensity I - Padre Burgos, SOUTHERN LEYTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks naturang dalawang lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring mga pagyanig.