Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong sa Caraga Region na tinamaan ng kalamidad.

Ito ay hangga't hindi pa nakababangon sa epekto ng kalamidad ang mga residente sa naturang rehiyon.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), halos nasa 78,000 pamilya ang naapektuhan ng kalamidad sa Caraga region.

Sa situational briefing na idinaos sa Agusan del Sur nitong Biyernes, ipinag-utos din ng Pangulo sa Department of Agriculture (DA) na ipagpatuloy pa ang pamamahagi ng ayuda at agricultural inputs upang makabangon muli ang mga magsasaka.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Bukod dito, inatasan din ni Marcos ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tiyaking magkaroon ng malinis na tubig ang mga nasalanta ng kalamidad.

Matatandaang nilubog ng malawakang pagbaha ang rehiyon matapos makaranas ng pag-ulan dulot ng shear line nitong Enero 15-19.