Supportive girlfriend ang peg ni “Can’t Buy Me Love” star Maris Racal sa reunion concert ng Rivermaya kung saan kabilang ang jowa niyang si Rico Blanco.

Sa latest Instagram post ni Maris nitong Linggo, Pebrero 18, ibinahagi niya ang mga kuhang larawan at video sa nasabing concert.

“RIVERMAYA THE REUNION WAS 🔥 What an experience! Witnessed GREAT chemistry on stage,” saad ni Maris sa caption ng kaniyang post.

Natuwa naman ang mga netizen sa ipinakitang suporta ng aktres sa jowang si Rico. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon sa comment section:

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Halatang halata namin mare kung sinong bias mo sa Rivermaya! Hahaha cute mooo supportive jowa 🥹❤️”

“Fangirling with the person you love is the best hahaha ang kulit nakakatuwa”

“Tanggal ang angas ng isang Rico Blanco HAHAHAHAHAHA cutie mo kahit kailan Maris!! 🥹♥️”

“Cutieee yung may papasign hahahh”

“Healthy relationship ❤️❤️”

“Cute niyo. Haha. ❤️”

Matatandaang Nobyembre pa noong nakaraang taon nang kumpirmahin ng Live Nation Philippines ang concert ng nasabing OPM rock band.

MAKI-BALITA: Rivermaya, magkakaroon ng reunion concert

Matapos lumabas ng anunsiyo sa publiko, nagbahagi si Rico ng tribute sa kaniyang bandmates sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, may tribute sa kaniyang Rivermaya bandmates