Kaya nga ba talagang gawin ng aktor na si Jeffrey Santos ang lahat para sa kapatid niyang si Judy Ann Santos-Agoncillo?

Sa latest episode kasi ng vlog ni Morly Alinio kamakailan, naitanong niya kay Jeffrey ang tungkol sa bagay na ito dahil sa ugnayang mayroon ang magkakapatid na laging nagdadamayan, nagtutulungan at nagkukuwentuhan.

“Kami-kami na lang, e. Bakit hindi? I mean, you will do anything to protect your family. During this time na ako ang tumatayong kuya, iniwanan na kami ng tatay namin,” saad ni Jeffrey.

“We felt unprotected, we felt nasa gitna kami ng gyera na wala kaming ammunition. [Si Mommy Carol na lang] na nasa Canada pa during that time,” aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kaya naman, nang minsang mabalitaan niya na may ginawang hindi maganda ang ibang tao sa kapatid niyang si Juday, nagalit daw talaga siya.

“Mayro’n kaming isang sitwasyon na tanggap kong dadalawin na lang niya ako kasi I was already do that for her,” lahad ni Jeffrey.

“Ang nagsalba lang sa buhay ng taong ‘yon ‘yong phone call ng kapatid ko. ‘Kuya, it’s not worth it,’” aniya.

“Nagalit ka?” usisa ni Morly sa aktor.

“Sobra.”

“Bilang kapatid,” tanong ulit ng host kay Jeffrey, “handa ka nang pumatay?”

“Wala akong sinabing pumatay,” maagap na tugon ng aktor habang natatawa, “sinabi ko lang dadalawin ako.”

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Jeffrey tungkol sa nangyari. Pero kung bakit niya gagawin ang ganoong bagay para sa kapatid ay dahil alam niyang Juday would do the same.