Tila natatapakan daw ni Kapuso star Bea Alonzo ang pagkalalaki ng mga naging ex-jowa niya ayon sa showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Linggo, Pebrero 18, napag-usapan nang bahagya ang tungkol sa ilang nakarelasyon ni Bea gaya nina Zanjoe Marudo at Gerald Anderson.

“Ang sabi raw, ‘di ba sabi n’yo sa amin kapag hindi malingap sa pamilya—lalo na sa ina—ang lalaki, mag-isip na ako. ‘Yon daw ang dahilan kung ba’t humiwalay si Bea kay Zanjoe.

“At bukod pa doon, ‘yong mga kuwento pa na nakakabawas sa pride ng lalaki—kahit kay Gerald—’yong si Bea ang gumagastos sa mga trip sa abroad,” aniya.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Na para bang dahil sa mapera itong si Bea Alonzo ay sunud-sunuran na lang ‘yong lalaki dahil wala nga silang ikakasa. Parang ‘yong kay Dominic din ngayon. Kaya vindicated ‘yong mga nakaraang karelasyon ni Bea.”

At ang nakakalungkot, sabi pa ng co-host niyang si Romel Chika, si Bea ang lumalabas na masama ngayon dahil sa nangyari.

Matatandaang matapos maiulat ni Cristy sa programa niyang “Cristy Ferminute” ang balitang hindi na raw matutuloy ang kasal nina Bea at Dominic, sumunod namang lumutang ang tungkol sa dahilan umano ng kanilang away.

MAKI-BALITA:  ‘Napakatindi ng tensyon:’ Kasalang Bea-Dominic, ‘di raw matutuloy?

MAKI-BALITA: Away nina Bea at Dominic, prenup daw ang dahilan?

Pero pinabulaanan naman ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda sa kaniyang programa ang tungkol sa bagay na ito matapos niyang kumpirmahin ang hiwalayan ng dalawa.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!

MAKI-BALITA: Prenup, hindi raw issue kay Dominic sey ni Tito Boy