Napa-sana all na lang ang mga netizen sa komedyante-TV host na si Awra Briguela matapos makatanggap ng bouquet of flowers noong nakalipas na Valentine's Day na bigay ng kaniyang special someone.

“You look happier” is the best compliment you can receive, 💘🌷" aniya sa kaniyang caption.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)

In fairness kay Awra, ilang netizens ang namalikmata at kung sino-sino na ang nakita nilang mukha sa kaniya.

Kamukha raw niya ang grand winner sa "RuPaul's Drag Race" na si Marina Summers, may mga nagsabing kahawig ni Kendra Kramer, at may nagsabi pang kamukha niya ang datingan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Bukod sa local celebrities na nabanggit, may ilan pang nagsabing hawigan na niya si Megan Fox.

Well, ano kayang masasabi ni Sam Milby na fiance ni Cat na hawig ng fiancee niya si Awra?