Pinasalamatan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa paglagda nito sa panukalang batas na nagtatatag ng Pampanga State Agricultural University-Floridablanca Campus (PSAU-Floridablanca) sa Floridablanca, Pampanga.

Sa isang pahayag nitong Linggo, Pebrero 18, sinabi ni Arroyo na nagagalak siya sa mabilis na pagsasabatas ng kaniyang panukalang House Bill 2625, na ngayo’y Republic Act No. 11977, na nagtatatag ng PSAU-Floridablanca Campus sa Floridablanca, isa sa anim na mga bayan ng 2nd legislative district ng Pampanga.

Ayon kay Arroyo, sinasalamin ng pag-apruba ni Marcos sa panukala ang pangako nito bilang pangulo na bigyan ng mas mataas na edukasyon ang mga Pilipino, at pataasin ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipinong magsasaka.

“The establishment of PSAU-Floridablanca brings great benefits to the students and farmers of all six towns of my district," ani Arroyo.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

"Most of my constituents earn a living from agriculture and in-land aquaculture, so I foresee a boom in their incomes when they gain access to the new technologies and research findings, through their children who will study in PSAU- Floridablanca or through the school’s extension services,” dagdag pa niya.

Inihayag din ng kongresista na hiniling daw sa kaniya ng kaniyang mga nasasakupan na ipaabot ang kanilang pasasalamat kay Marcos dahil sa naturang aprubadong batas.

Base sa Republic Act No. 11977, mag-aalok ang PSAU-Floridablanca Campus ng short-term, technical-vocational, undergraduate, at graduate na mga kurso sa loob areas of competency at specialization nito.