Tinatayang 75% ng mga Pilipino ang hindi nasisiyahan sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa inflation, ayon sa survey ng OCTA Research.

Base sa 2023 fourth quarter “Tugon ng Masa” survey na inilabas ng OCTA nitong Sabado, Pebrero 17, 14% lamang umano ang nasisiyahan sa paraan ng pamahalaan sa pagtugon sa inflation o ang pagkontrol sa presyo ng mga bilihin.

Bukod dito, 46% daw ng mga Pinoy ang “dissatisfied” din sa paraan ng kasalukuyang administrasyon sa pagtugon sa kahirapan sa bansa, habang 6% lamang daw ang “satisfied” dito.

Sa kabila nito, mayorya naman umano ng mga Pilipino ang nasisiyahan sa performance ng pamahalaan pagdating sa mga ipinatutupad nilang programa, tulad ng pagtatayo ng mga pampublikong imprastraktura (81%), pagtugon sa kalamidad (77%), pagprotekta sa overseas Filipino workers (OFWs) (77%), pagbibigay ng healthcare (75%), at pagkakaloob ng dekalidad na edukasyon (75%),

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Isinagawa raw ng OCTA ang nasabing survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na nasa 18 pataas ang edad.

Mayroon itong ±3% margin of error at confidence level na 95%.