₱136.5M jackpot, mapapanalunan sa Ultra Lotto 6/58 draw ngayong Linggo
Aabot na sa ₱136.5 milyon ang tatamaan sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo ng gabi.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nanalo sa nakaraang draw kung saan aabot sa ₱129.7 milyon ang jackpot.
Nitong Enero 2, isang taga-Ligao City, Albay ang nanalo ng mahigit sa ₱571 milyon sa Ultra Lotto 6/58 matapos mahulaan ang winning combination na 19-35-25-42-58-05, ayon sa PCSO.
Binobola ang naturang lotto game tuwing Martes, Biyernes at Linggo, dakong 9:00 ng gabi.