Isiniwalat ni Diamond star Maricel Soriano ang ginawa umanong pambabastos sa kaniya sa “Batang Quiapo” nang kapanayamin siya ng showbiz insider na si Aster Amoyo.

Sa latest episode ng vlog ni Aster nitong Biyernes, Pebrero 16, sinabi ni Maricel na hindi na raw siya tumitingin sa billing ng kaniyang mga proyekto dahil masyado raw siyang nasaktan at nabastos dahil dito.

“Dahil ang billing ko no’ng ginawa ko ang ‘Batang Quiapo’, Fernando Poe Jr., Maricel Soriano. Do I deserve it? Bakit nila ako ginano’n?” himutok ni Maricel.

Pero paglilinaw ng Diamond Star, pelikula raw nila ni FPJ ang tinutukoy niya at hindi ang kasalukuyang serye ni Coco Martin na umeere sa primetime.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Ganito kaliit ang pangalan ko. Sabi ko, deserve ko ba ‘yan? Whether I’m nice or not? [...] Sabi ko na lang sa sarili ko, kaya ka Maricel Soriano dahil kinaya mo lahat ‘to.” aniya.

Pinalampas lang daw ni Maricel ang naturang pangyayari. Pero ang totoo, na-depress daw siya dahil doon.

“‘Wag naman akong bastusin masyado nang gano’n. Komo mabait ba ako o kung anoman ako. Sana hindi nila ako ginano’n. Pero ako nilampas ko na lang ‘yon,” saad pa niya.

Ang nasabing pelikula ay ipinalabas noong 1986 sa ilalim ng direksyon ni Pablo Santiago na kalaunan ay ginawan naman ng TV remake noong 2023.