Tataas ang produksyon ng isdang nahuhuli sa Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) dahil na rin pinaigting na pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing teritoryo ng bansa.

Ito ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at sinabing kasama nila ang PCG sa pagsasagawa ng rotational deployment upang mabantayan ang mga mangingisda sa naturang karagatan.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Binanggit naman ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera, sinimulan ang rotational deployment nitong Pebrero 1 at nagpapatuloy pa ito hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni Briguera, layunin din nito na suportahan ang mga mangingisda sa karagatan sakop ng West Philippine Sea (WPS) kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tiyaking magkaroon food security sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela, hindi nawawala ang presensya ng mga Chinese vessel sa karagatan kung saan nangingisda ang mga Pinoy.