Sumalang ang mag-jowang sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Pebrero 16.

Sa isang bahagi ng panayam, naitanong ni Boy kina Ricci at Leren ang tungkol sa posibilidad ng pagpapakasal in the near future.

“Kami, Tito Boy, may mga napag-usapan na rin kami even ‘yong mga friends namin ‘di ba na nae-engage or nagpaplano ng kasal. Parang feel ko same naman kami na hindi naman siya doon sa tagal or what,” saad ni Ricci. 

“Pero siguro mas mape-feel n’yo naman din sa isa’t isa kung talagang kilala n’yo na rin ‘yong isa’t isa deeper,” aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa niya: "Mayroon din kasi siyempre, Tito Boy, ‘di ba ‘yong kunwari masaya kayo ngayon. Pero what if may challenges, how do you guys deal with that and how badly you want to make it work,” ani Ricci.

Para naman kay Leren: “Before, Tito, parang feeling ko okay din ‘yong long engagement and all […] At this moment naman, tama rin. Kung ma-feel mo na rin talaga na okay ka na with your partner, I think hindi naman kailangan ng long engagement, as long as kailangan pagbutihin n’yo rin ang relationship. Kasi hindi naman palagi okay, hindi naman palagi masaya.” 

“Feeling ko naman ang long o short engagement depende ‘yon sa kung ano ang gusto talaga. But for me, kahit ano naman doon. Basta ramdam naman namin and napag-usapan naman kung ready na ba talaga kami to really commit,” lahad pa niya.

Kaya sey ni Tito Boy: “Yeah, what I’m hearing is that wala talagang formula. Ako, ang akin lang ay do not fall into the trap of being pressured.”

Matatandaang tuluyang isinapubliko nina Ricci at Leren ang kanilang relasyon noong Oktubre 2023 sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na natanggap mula sa madla.

MAKI-BALITA: Ricci ibinunyag relasyon nila ni Leren Mae: ‘Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya’