Pumalag ang Kapuso scriptwriter na si RJ Nuevas sa kumalat na tsikang saka lang inoofferan ng proyekto si Bea Alonzo kapag inayawan ito ni Marian Rivera.

Ang dalawang big stars na ito ay itinuturing na Kapuso Queens ng GMA Network, of course, simula nang lumundag dito si Bea mula sa Kapamilya Network.

Iyan daw ang nasagap na tsika ni "Ate Mrena," co-host nina Ogie Diaz at Mama Loi sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

Napag-usapan kasi ng tatlo ang tungkol daw sa magkaibang bet nina Bea at Dominic sa kanilang kasal. Sey ni Ogie, mukhang may gustong ma-achieve si Bea patungkol sa kaniyang kasal na once in a lifetime nga lang naman.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Since nasa superstar status si Bea, tila gusto rin daw nitong gayahin ang ilang showbiz couple wedding ng mga sikat na artistang gaya niya, katulad daw sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Singit naman ni Mrena, "Pati ba naman sa wedding, Kuya? Makikipagkompitensya pa si Bea Alonzo kay Marian [Rivera]?

"Kasi kuya, si Bea at saka si Marian ngayon ang pinakasikat ngayon sa GMA?"

"Oh eh anong konek ngayon sa wedding? Eh ikinasal na si Marian kay Dingdong, okay na 'yon..."

"Eh kasi kuya, eh may kaibigan ako sa GMA... may nasabi lang sa akin, na bago i-alok ang isang teleserye kay Bea Alonzo, eh dadaan muna kay Marian. Siya muna ang aalukin, kuya. Pag hindi tinanggap ni Marian, saka mapupunta kay Bea..."

Giit ni Mrena, naikuwento lang daw sa kaniya ito ng kaibigan sa Kapuso Network.

"Hindi naman talaga natin alam ang totoong kuwento diyan," sey naman ni Ogie. "Parang gustong sabihin ni Mrena, bago tanggapin ni Bea 'yong isang teleserye tama ba? Inialok na muna 'yon, nauna nang naialok 'yon kay Marian, Jusko nakakaloka, ako na naman... uy hindi 'yan confirmed ha."

MAKI-BALITA: Teleserye, inaalok lang kay Bea kapag inayawan ni Marian?

Sa Facebook post naman ni Nuevas, mariin niyang itinangging totoo ang nabanggit na sitsit.

"Hindi po ito totoo!"

"Hiningan po ako ng concept for Bea Alonzo, at ang naisip ko at ipinasa at naaprubahan ng mga boss ay ang WIDOWS' WAR. Para po talaga kay Bea ang show at walang inalukan na iba. Ganon din po ang dalawa niyang naunang shows," aniya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Nuevas na kaibigan niya si Ogie at baka mali lang ang impormasyong nakarating sa kanila.