Aware daw si Biñan, Laguna Councilor Leren Mae Bautista na bina-bash ng netizens ang age gap nila ng boyfriend na si celebrity basketball player Ricci Rivero.

Sumalang sila sa "Fast Talk with Boy Abunda" at nauntag sila ni Boy Abunda kaugnay nito.

Bilang public figures daw ay open sila sa iba't ibang opinyon at kritisismo. Paano raw nila nama-manage ito?

“Ako not so much, Tito Boy,” sagot ni Ricci.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ganoon din umano si Leren na tinatawanan na lang daw ang mga nagsasabing mukha silang mag-tita ni Ricci.

“Hindi din naman Tito. Natatawa lang ako minsan kasi ‘yong 'pag sinasabi nilang tita daw po ako ni Ricci, sabi ko, 'Ate lang. Hindi naman tita, ate lang,'" aniya.

Nasabi rin sa nabanggit na panayam na pinag-iisipan na raw ng dalawa ang kasal, kung sakaling sila na talaga.

MAKI-BALITA: https://www.facebook.com/balitaphl/posts/pfbid06kHjZrqVf7w1j846sVGHPEE1T5Nq6pV4XxPLgopnF19a1YtJGxa6ySA8oZMuqLetl