Matapos daw ang panayam ni Queen of All Media Kris Aquino sa kaibigang King of Talk na si Boy Abunda ay mas marami pa raw ang nag-aalala at nagdarasal ngayon para sa tuluyang paggaling nito.

Lalo kasing nag-alala ang fans, supporters, at netizens para sa kalagayan ng kalusugan ni Tetay, nang sabihin niyang may posibilidad na ma-cardiac arrest siya dahil sa panibagong procedure na gagawin sa kaniya, kaugnay pa rin ng kaniyang sakit.

Pero she refuses to die raw at gagawin daw niya ang lahat para ma-extend pa ang buhay niya sa mundong ibabaw; kaya nga ba't sa kaniyang Instagram post kamakailan ay tila may mensahe siyang iniwan sa kaniyang mga anak, mga kapatid, mga kaanak at kaibigan. Baka raw sakaling ito na ang huling birthday niya sa earth (Pebrero 14).

MAKI-BALITA: Deklarasyon ni Kris Aquino: ‘I refused to die!’

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

MAKI-BALITA: Kris may mensahe kina Joshua, Bimby: ‘Just in case this is the last birthday…’

Nanawagan din siya ng dasal sa lahat para makaya niya ang side effects ng gamutan sa kaniya.

Sey ni Ogie Diaz, marami raw ang nagpapaabot sa kaniya ng mensahe na mga faith healer na willing tulungan si Kris para gamutin ang sakit nito. Personally daw kasi ay naniniwala si Ogie sa faith healing, gayundin sa alternative medicine.

"Alam n'yo sa totoo lang ang daming nagme-message sa akin, pa'no raw makakarating kay Kris ang kanilang mensahe, na gusto siyang gamutin, gusto siyang idaan sa herbal chenelyn, 'di ba, alternative medicine... at saka 'yong mga faith healing na gusto nilang isagawa kay Kris," anang Ogie. "Iyan lahat ay sa totoo lang nakarating kay Kris."

Sa totoo lang daw, lahat nang mga mensaheng ito ay nakarating kay Kris. Pero hindi raw talaga naniniwala rito ang TV host-actress.

"Pero ang paniniwala ni Kris, ay talagang doon lang sa Taas. Hindi siya puwedeng kumawala doon sa kaniyang pananalig kay Lord. Kung anuman ang gusto ni Lord na mangyari para sa kaniya, iyon ang mangyayari."

Samantala, noon pa man, may mga nagsasabi nang baka nga raw nakukulam na si Kris kaya sana raw ay lumapit na siya sa albularyo.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, muling pinayuhang magpakonsulta sa albularyo

Pero ayaw raw talaga ni Kris dahil naniniwala pa rin siya sa agham, bukod pa sa pananampalataya niya sa Diyos.