Ipinaaaresto ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ilang grupo at indibidwal na nangongotong sa mga trucker at delivery driver sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Ipinaliwanag ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr., nagrereklamo na ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) dahil sa pass-through fee o bayad ng mga truck at iba pang sasakyang nagdadala ng produkto sa National Capital Region.

Ang pangongotong aniya sa grupo ay paglabag sa Executive Order No. 41 na nag-uutos sa mga local government unit (LGU) suspendihin ang pangongolekta ng bayad upang dire-diretso ang delivery ng mga produkto.

"Andito ang kapulisyahan, magtutulong-tulong ang mga pulis para mahuli ang mga nangongotong na ito. Sayang naman itong EO na lumabas, dahil sa ilang tao, nasisira ito," ani Abalos sa idinaos na pagpupulong sa Camp Crame, kamakailan.

"It has been a fruitful meeting, at ang gusto ng lahat ay matupad ang bilin ng ating Pangulo, ang ease of doing business, para dire-diretso ang delivery ng ating mga truck dito para wala ng problema," dagdag pa ng opisyal.