Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamamahagi ng 3,184 na e-Title (electronic certificate of title) at Certificates of Land Ownership Award sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Agusan del Sur nitong Biyernes.

Bukod dito, namigay din si Marcos ng mga makinaryang pansakahan sa 1,681 na ARBs.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Patuloy din aniyang susuportahan ng pamahalaan ang mga magsasaka upang mapataas pa ang ani at mapalaki ang kita ng mga ito sa gitna ng banta ng El Niño phenomenon.

Binanggit din ng Pangulo na wala pa ring pag-unlad sa bansa dahil baon pa rin sa utang ang mga magsasaka.

“Ayoko ng band aid na solusyon. Ang hanap ko ay permanenteng lunas," lahad pa ni Marcos.