Wagi ng mahigit ₱64 milyon jackpot prize ng Super Lotto 6/49 ang lone bettor mula sa Laguna ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nitong Huwebes ng gabi, tinamaan ng lucky winner ang ₱64,105,266.60 dahil nahulaan niya ang winning numbers na 19-10-08-24-20-13.

Nabili ang ticket sa Lumban, Laguna.

Samantala, wala namang nanalo sa Lotto 6/42 dahil walang nakahula sa winning combination na 09-38-28-22-04-20 na may katumbas na ₱5,940,000 na premyo.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Matatandaang halos sunod-sunod ang nananalo sa Lotto 6/42. Nitong Martes, Pebrero 13, huling natamaan ng taga-Quezon City ang jackpot prize.

Maki-Balita: Lotto 6/42 ulit? Taga-Quezon City, panalo ng higit ₱7M!