Pinarangalan bilang Best Primetime Supporting Actress si “Dirty Linen” star Jennica Garcia para sa natatangi niyang pagganap sa nasabing teleserye.

Sa latest Instagram post ni Jennica nitong Huwebes, Pebrero 15, masaya niyang ibinahagi ang kuha niyang larawan sa idinaos na Platinum Stallion National Media Awards.

“First time to come up on stage to receive an Acting Award. Thank you, ABS-CBN, Dreamscape, and Platinum Stallion Media Awards,” saad ni Jennica.

“Sir Deo, atin po ito. Maraming salamat,” dugtong pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Masaya naman siyang binati ng mga netizen pati ng kaniyang inang si Jean Garcia at ng kaibigang si Melai Cantiveros. Narito ang kanilang komento para kay Jenncia::

“Congratulation my Beb im sooooo proid of u tlaga u deserve it 😍😍😍😍 aylabyuuuuu More awards to come ❤❤🙌🙌🙌🙌” ani Melai.

Sabi naman ni Jean: “Ayieeeeeee congratulations honey! Thank you Lord Heavenly Father 🥰🫶🏻👏🏻👏🏻👏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

Matatandaang bago pa man siya gawaran ng parangal ay nagustuhan na ng mga tagasubaybay ng “Dirty Linen” ang karakter na ginagampanan ni Jennica sa nasabing teleserye.

MAKI-BALITA: ‘Mata-mata school of acting!’ Janine Gutierrez, Jennica Garcia, puring-puri dahil sa ‘Dirty Linen’

In fact, hindi nga raw makapaniwala ang aktres na magte-trending ang pangalan niya sa iba’t ibang social network sites.

MAKI-BALITA: ‘Bilang Lala sa Dirty Linen!’ Jennica Garcia, hindi pa rin makapaniwalang nagte-trending ulit siya