May mga tirada raw ang fans ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards laban kay Kapuso star Bea Alonzo ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa latest episode kasi ng programang “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Pebrero 16, sinabi ni Cristy na nahalukay daw ng fans ang dating isyu nina Alden at Bea.

“E kasi nga ‘di ba aminin naman natin ang lumutang dati parang ang nag-attitude dito ay si Alden. So, ito na ‘yong pagkakataon nila ‘Ay, ‘yong Alden ang sinisisi n’yo, ha. ‘Yon pala ito na ang tunay na kuwento,’” saad ng isa pang host na si Romel Chika. 

“Sabi siguro, ‘Ikaw kunwari sisimple-simple ka [Bea] pero iginawa-gawa mo ng isyu na ipinalabas mo pa na ikaw ang pinaghihintay. Ito na ang pagkakataon, niresbakan siya ng mga fans ni Alden Richards,” dugtong pa ni Cristy.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Kaya ang hamon ni Romel kay Bea: “Ano ngayon ang masasabi niya dyan?”

Matatandaang nauna na ring iulat sa showbiz oriend vlog ni Cristy ang tungkol sa umano’y attitude problem ng isa kina Bea at Alden na naging dahilan daw para hindi matuloy ang project ng dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Sino sa dalawa?’ Movie project nina Bea, Alden ligwak daw dahil sa ‘attitude problem’

Samantala, sa isang hiwalay na panayam naman, inamin ni Bea na totoong nagkasamaan sila ng loob ni Alden.

MAKI-BALITA: Samaan ng loob kay Alden, kinumpirma ni Bea: ‘But di kami nag-away!’