Ibinahagi ni Kapamilya star Daniel Padilla ang dalawang personalidad na gusto niyang makatrabaho balang-araw.

Sa latest episode ng On Cue nitong Martes, Pebrero 13, itinanong ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe ang tungkol sa bagay na ito.

“Sinong mga top of mind na gusto mong makatrabaho?” usisa ni MJ.

“Tita Maricel [Soriano],” mabilis niyang tugon.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“I’ll have something with Ely Buendia. May mga gagawin. Secret pa. Secret muna,” dugtong pa niya.

Tila binibitin talaga ni Daniel ang kaniyang fans pansamantala. Nang tanungin din kasi siya tungkol sa kung ano ang proyektong gagawin nila ni Maricel, hindi na siya masyado pang nagbigay ng maraming detalye.

“Wala pang konsepto. May napag-usapan na pero ayaw ko pang sabihin. Napag-usapan lang naman. Ibe-brainstorm pa namin,” saad niya.

Aminado naman si Daniel na may kaunting adjustment sa panig niya ngayong tinatahak na niya ang career nang walang ka-love team na kasama.

Sa kasalukuyan, may nilulutong pelikula si Daniel kasama ang award-winning actor na si John Arcilla sa ilalim ng direksyon ni Jerrold Tarog na pinamagatang “The Guest.”

Bukod pa rito ang gagampanan niya sa adaptasyon ng maikling kuwentong “Nang Mapagod Si Kamatayan” ni National Artist Ricky Lee kung saan niya makakasama ang aktor na si Zanjoe Marudo na nasa ilalim naman ng direksyon ni Dan Villegas.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, excited na sa pelikulang ‘Nang Mapagod si Kamatayan’