Hindi lang tsismis o pag-unfollow/pag-unfriend ng isang celebrity sa kapwa celebrity sa social media ang nasisipat ng eagle-eyed netizens.

Viral ang litrato at screenshots ng isang lalaking sumali sa "EXpecially For You" segment ng noontime show na "It's Showtime" dahil sa napansin nilang "malaking pagsisisi" raw sa ex-girlfriend nito, na pinakawalan pa siya.

Kitang-kita kasi sa pag-side view ng nagngangalang "Matt" ang kaniyang naghuhumindig daw na bakat, at nasaktuhan namang tila nakatingin dito ang kaniyang ex-gf.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya sabi tuloy ng mga netizen, mukhang malaki raw ang panghihinayang niya dahil pinakawalan niya ang kaniyang ex-bf.

Pinagpiyestahan tuloy ito ng mga netizen sa comment section.

"May nagagalit nga ba?"

"Nagalit nga tlga si kuya ksi khit naappreciate ni gurl ung effort ni kuya iniwan pa dn xa nito."

"The design is very daks haha."

"Laking panghihinayang ni ateh haha."

"Ito yung brown flag."

"Si ate sa baba nakatingin"

"Parang may padding haha"

Pero sa isang live ay nagsalita si Matt at ipinaliwanag niyang nakasuot siya ng briefs na pang-model kaya bumakat ang kaniyang harapan.

Kung sino-sino na raw ang nagtanong sa kaniya kung talaga bang totoong "daks" siya o baka naman daw may padding o bato siyang inilagay sa kaniyang harapan kaya nagmukhang malaki ito.

Sey niya, sana raw ay hindi na pinapalaki pa ng mga tao ang kanilang napansin, pero nagpasalamat na rin siya dahil doon daw ay sumikat siya.