Napaluha ang aktres na si Cristine Reyes nang makatanggap ng sorpresang pulumpon ng mga bulaklak sa Valentine's Day mula sa kaniyang boyfriend na si Marco Gumabao.

"Lovey," tangi niyang nasabi nang makita si Marco na bitbit ang bulaklak bago umiyak.

Natatawang pinunasan naman ni Marco ang luha sa mata ng jowa.

"Happy Valentines, lovey," sey nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Umupo naman sa sofa si Cristine at binasa ang laman ng kalakip na card/letter ng nabanggit na bulaklak.

Makikita ang video clip nito sa Instagram story ni Marco.

Noong 2023, kinumpirma ng dalawa na officially mag-jowa na sila.

MAKI-BALITA: Marco Gumabao, may inamin tungkol sa kanila ni Cristine Reyes

MAKI-BALITA: Cristine Reyes, annulled na; handa nang makasal kay Marco Gumabao?